Aktres napabayaan ang sarili dahil sa pagmamahal sa aktor

UNTI-unti kaming nahahabag sa aktres na ito. Sa tuwing nakikita namin ito lagi na lang tuliro at tila nagmamadali.

Pagdating sa kanilang show, kung hindi late ay absent ito. At kapag naman nasa kanyang trabaho ay hitsurang wala sa sarili. Ni hindi nga nakakapag-ayos ng sarili. Pati ang pananamit nito wala din sa ayos.

One time, dumating siya sa programa nila na naka-wig pa. Nagtanungan tuloy ang mga katrabaho n’ya kung ano ang nakain nito at bakit nagsuot ito ng wig gayong maganda naman ang buhok nito at hindi kailangan ‘yon sa show dahil host ang trabaho niya at hindi impersonator.

Nu’ng minsang ipatawag daw ito ng kanyang nanay para naman makapag-bonding silang pamilya, aba’y walang time ang hitad. Busy daw siya. Saan, sa kahahabol-habol sa bofriend niyang hindi maintindihan ang pagkatao?

Kawawang aktres. Ultimo ang kuwarto raw nito kapag pumasok ka, para na ring napunta ka sa wag-wagan ng damit. Sa ukay-ukay ba, mga nonoy?

Tano? Ay, maation ang kwarto n’ya tabi, ang mga bado, sapatos, panty, nagtiripurak lang baga (ang kwarto nito ay madumi at nagkalat ang mga damit, sapatos at panty).

Kaherak man kan artistang ini (Kawawa naman ang artistang ito). Hahahahaha!

Grabe talaga ang pagka-inlababu ng aktres na itetch sa boyfriend n’ya. Kaylan kaya siya matatauhan?

Ang matindi pa nito, may ginagawa raw itong isang project sa probinsya, kamukat-mukat daw ng mga kasama nito,  biglang napunta sa Manila. Bakit?

Na-miss daw niya ang papa niyang lagi na lang busy, gayung wala namang proyektong ginagawa.

Pasaway!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply