Albie Casino marami pang dapat na matutunan sa showbiz

OBVIOUSLY hindi alam ni Albie Casino what’s he’s getting into nang awayin niya ang kanyang ex-GF na si Andi Eigenmann sa Formspring ng Facebook. Nag-react na pareho ang showbiz parents ni Andi na sina Jacklyn Jose at Mark Gil calling him an ungentleman and a liar sa pagtawag niyang cheater kay Andi.

Both are demanding a public apology from him.

Sa isang video interview sa “Paparazzi” ay nag-express rin ng pagkainis ang half-brother ni Andi na si Sid Lucero tungkol sa isyu. In a gist parang sinabihan ni Sid si Albie that he won’t be messing up with his little sister without any consequences. Mababakas sa mukha ni Sid na he is not kidding. At kung pagbabasehan ang controversy kung saan nanakit daw ng isang hardware employee ang aktor recently dahil sa pagkapikon ay may rason nga para matakot si Albie.

Nakalimutan yata ni Albie na bahagi si Andi ng isang showbiz clan. At hindi lang basta-basta isang showbiz family ang mga Eigenmann kundi isa ito sa most respected at palaban ang mga ito!

Ngayon palang ay may lumabas nang intriga na tinanggal na raw si Albie sa cast ng “Mara Clara The Movie” dahil sa away niya kay Andi. But Star Cinema was quick to disprove these rumors. Siya pa rin daw ang magiging leading man ni Kathryn Bernardo sa movie much to the delight of the fans.

Isang unsolicited advice lang kay Albie na isang showbiz neophyte. He should just shut up his mouth kasi lumalabas na isa siyang sore jilted ex-BF na hindi makatanggap sa break-up nila ni Andi.

It also pays to choose kung sino ang kakalabanin mo dito sa showbiz. And definitely not an Eigenmann!

***

SPEAKING of Sid Lucero, Kapuso na siya ngayon and he is the latest leading man of Marian Rivera sa bagong epic teleserye na “Amaya.” Para sa amin, good move ang paglipat ni Sid sa GMA kasi nga nagsisiksikan na sila sa ABS-CBN. Kahit gaano siya kagaling na aktor ay mas nabibigyan pa rin ng priority projects sina Coco Martin, Gerald Anderson, Jake Cuenca a.t.b.p. dahil mga contract stars ito ng Star Magic.

Kung matatandaan, his cousin, Geoff Eigenmann also moved from ABS-CBN to GMA a few years back. And now, never na nabakante si Geoff sa GMA mula noon. At ganoon din ang tiyak na mangyayari kay Sid sa GMA.

***

INAMIN din ng “Amaya” star na si Marian Rivera na all is well between her and Cristy Fermin now.

Hindi raw sinasadyang magkita sila sa salon ni Bambi Fuentes at naging mabilis na raw ang mga pangyayari. “Nagkatinginan kaming dalawa, tapos nagkangitian na. ‘Yun na nagkausap na kami after a long time at nagkabati na kami ni Tita Cristy.”pahayag ni Marian.

Magaan na raw ang loob niya ngayon knowing na wala na siyang kaaway. At gusto niyang manatili bilang kaibigan ni Tita Cristy. At kung kilala namin si Nay Cristy, walang masamang tinapay sa kanya kung marunong kang magpakakumbaba.

Sina Kris Aquino at Cristy Fermin na kaya ang susunod na magkakabati? Abangan, maliit lang naman ang showbiz!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply