All About Bags

ISA sa mga gamit ng babae na hindi pwedeng mawala ay ang bag. Tama hindi ba? Importante ang bag sa mga babae dahil dito nila inilalagay ang mga gamit gaya ng kikay kit, diary, cell phone at iba pang mga abubot. Working girls o estudyante, at maging mga may-bahay ay gumagamitng bag.

Iba’t ibang uri ang materyales na ginagamit sa paggawang bag. Mayroong gawa sa balat, may hinabi mula sa pinatuyong dahon ng mga halaman na matitibay gaya ng dahon ng niyog at may yari sa tela at plastic.

Isa ring klasipikasyon ng bag ay ang style nito. May handbag, shoulder bag, knapsack, back pack, clutch bag, belt bag, body bag at iba pa.

Ang mga bag na yari sa balat ay ginagamit sa opisina o kaya naman ay kapag may mga pormal na pagtitipon.

Maaari ring gumamit ng bag na yari sa tela sa opisina, ngunit di ito gaanong ginagamit sa mga pormal na okasyon.

Gaya ng bag na yari sa tela, ang bag na gawa sa plastic ay maaring gamitin sa opisina, pagsisimba, pamimili o pamamasyal.

Maaari ring iklasipika ang mga bag base sa presyo nito. May mumurahin o yung tipong nabibili sa bangketa, may nasa tamang presyo lang gaya ng mga nabibili sa mall na di lumapampas sa P1,000, at meron din namang may kamahalan na tipong umaaabot na sa P2000 pataas, at ang first class na bag o yung tinatawag na designer bag na talaga namang mahal at umaabot na sa P100,000 hanggang P1,000,000 o higit pa na tipong ang mga mayayaman lang ang nakaka-afford.

Ang mga mamahaling bag na ito ay gawa ng mga sikat na designer gaya ng Gucci, Louis Vuitton at Hermes. Ilan lamang ito sa mag brand ng bag na talaga namang dream o pangarap ng ilang kababihan.

Di ba nga ilang artista na rin sa telebisyon at sikat na personalidad ang nagpapabonggahan sa mga bag na ito tulad nila Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao at maging ang asawa ni Manny Pacquiao na si Jinky Pacquiao at pati na si Doktora Vicki Belo?

Talaga namang milyones ang halaga ng mga bag nila. Ilan lamang sila sa mga babaing nahuhumaling sa mga bag na ang presyo ay makabibili ka na ng kotse dahil hanep sa mahal.

Maaari rin namang mangolekta ng bag ang isang babae na hindi super mahal.

Marami akong kakilala na maykoleksyon ng bag pero hindi ganun kamahal ang presyo ng mga ito, bagama’t matitibay rin at magaganda ang kulay, yari at disenyo.

Kapag bumili kang bag na tipong P50 hanggang P100 ay makabubuting bumili ka ng ilang piraso kahit paunti-unti. Kadalasan kasi sa mga bag na ito ay madaling masira, so para mahaba ang buhay ng bag mo, bumili ka ng ilang piraso para papalit-palit ka sa ginagamitna bag. Sa ganitong paraan ay hindi agad sila mabubugbog at maluluma.

Wastong pangangalaga sa bag

Ituring ang bag na mahalagang gamit at huwag basta-basta ilagay kung saan-saan.

Kung walang bag rack o sabitan ng bag, ipatong ito sa ibabaw ng cabinet.

Kapag lalabhan ang bag, isaalang-alang kung saan yari ang mga ito. Kung yari sa tela at tingin mo ay kayang labhan sa washing machine ay isalang ito ng tatlo hanggang limang minuto.

Banlawang mabuti at isampay.Hayaan itong mabilad sa araw upang maiwasan ang di kanais-nais na amoy at upang hindi kalawangin ang zipper o kung may bakal man sa disenyo o yari nito.

Kapag gawa sa balat ang bag, brush-in ito ng bahagya at huwag ibabad ng matagal satubig. Ganito rin ang gawin sa mga bag na kagaya ng bayong.

I-brush mabuti ang mga bag na gawa sa plastic. Isampay at patuyuin.

Ang ‘kikay’ bag

Ang kikay bag o kikay pouch ay isang uri ng maliit na bag na karaniwang makikita sa loob ng bag ng babae.

Ito ay tinawag na kikay dahil dito makikita ang mga produktong pampaganda na ginagamit ng mga babae.

Ilan sa kadalasang nilalaman ng kikay pouch o kikay kit ay lipstick, face powder, lip gloss, lip balm, cologne, etc.

Yung tipo ng mas magarbong kikay kit ay naglalaman ng kumpletong make up kit sa loob na bukod sa mga naunang nabanggit ay mayroon pang eyeliner, mascara, lip liner at kung anu-ano pa.

Ito ang karaniwang kikay bag ng mga kababihan.

Samantala, ang mga sporty type na babae, ang laman ng kanilang kikay kit ay iba. Sa kanilang kikay kit matatagpuan ang benda, alcohol, band aid, betadine o parang isang first aid kit ito na kailangan o makatutulong sa kanilang sports.

Ang mga kikay bag ay hindi naman ganun kamahal dahil nga maliit sila. Kapag mahal ang isang kikay pouch, ito ay maaaring branded.

Iba-iba rin ang hugis, kulay, disenyo at yari nito. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply