Pagkakasabit sa iligal itinanggi ni Alvarez

ITINANGGI ni Bureau of Customs  (BOC) Commissioner Angelito Alvarez sangkot siya sa mga iligal na gawain sa ahensya matapos siyang sampahan ng umano’y katiwalian sa Ombudsman kasama sina Finance Secretary Cesar Purisima at dating BIR Commissioner Guillermo Parayno.

Ang mga paratang umano ay galing sa mga tauhan ng Customs na sa kanyang palagay ay gumawa ng desperadong hakbang para sirain ang kanyang reputasyon upang madiskaril ang kanyang paglilinis at paghihigpit sa kanilang hanay.

Ayon kay Alvarez ,marahil ay apektado na ang mga taong nasa likod ng kanyang pagkakahabla sa Ombudsman dahil wala na silang kita na milyon na nakasanayan na nilang kitain dahil sa mga anomalya sa pagpasok ng mga kontrabando.

Pinaratangan din si Alvarez na nagbibigay ng pabor sa ilang service provider sa BOC, tulad ng E-Konek, ang internet server provider ng mga import-export entries ng ahensya, at maging ang Lina Group of Companies kung saan si Alvarez ay dating empleyado.

Sa 10 buwang lumipas ay 20 containers ng ukay-ukay na ang nasamsam ng BOC na may halagang P60 milyon at sa ilalim ng kanyang pamamahala ay 34 na kaso ng smuggling laban sa malalaking kompanya ang kanyang naisampa, dagdag pa ni Alvarez. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply