Amang nang-hostage ng sariling anak, kalaboso

BUMAGSAK na sa kamay ng mga pulis ang isang amang nang-hostage ng 11 buwang gulang na anak kagabi, Abril 30.

Nabatid na kasalukuyan namang ginagamot sa Tondo General Hospital ang sanggol na babae na hinostage ng kanyang amang ai Allan Sabadilla, 32, sa Navala at Lacson St. sa North Bay Boulevard North sa Navotas City makaraang magtamo ng mga sugat sa katawan.

Ayon sa Navotas Police Station, matinding selos sa misis ang dahilan ng pangho-hostage ng suspek kung saan nagbanta pa itong magpakamatay.

Tinangka pang itakas ng ama ang kanyang anak na nahabol naman ni PO2 Generoso Gagatiga, rumesponde sa pangho-hostage.

Nahaharap sa maraming kaso ang suspek dahil sa nasabing insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply