Amerikanong pugante sa US timbog sa Pinas

NADAKIP ngayon ng magkasanib puwersang awtoridad ng Pilipinas at Estados Unidos ang isang puganteng Amerikano na pumatay sa kanyang asawa noong nakaraang Abril sa Las Vegas.

Ang pugante na kinilalang si Hugh Cave, 53, ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Las Vegas Court habang nagtatago sa Sabang, Morong, Bataan.

Ayon sa ulat ng awtoridad, ang kalansay ng kanyang asawa na si Gloria Cave, 45, ay natagpuan ng kanyang tenant sa pinaglibingan ni Hugh sa likod ng kanilang bahay sa Las Vegas nitong nakaraang April 23.

Dahil nakatakas si Hugh sa kamay ng awtoridad kaugnay sa pagpatay sa kanyang asawa, nagtungo umano ito sa Pilipinas para itago ang kanyang pananagutan sa ginawang krimen.

Sa ginawang pagmamanman ng awtoridad, nakatanggap ang mga ito ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek at nakakuha ng warrant of arrest para madakip sa lugar na pinagtataguan sa Pilipinas.

Sa pakikipagtulungan ng Filipino authorities at ng Federal Bureau of Investigation (FBI), si Hugh ay nasakote sa Bataan.

Ayon kay Police Officer Laura Meltzer, hinihintay na lamang umano nila ang extradition ni Hugh sa Las Vegas para harapin ang ginawang krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply