Ampatuans pinatitiyak na di mag-aala-Leviste

PINATITIYAK ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre hindi nakalalabas ng kulungan ang mag-amang Ampatuan tulad ng ginawa ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Anila, higit na mas mayaman ang mga Ampatuan kaysa kay Leviste kaya’t hindi imposibleng makapaglabas-masok din ang mga ito sa kulungan gaya ng dating gobernador.

Hiniling ni Edith Tiamson, kamag-anak ng isa sa mga biktima ng masaker, kina Justice Secretary Leila de Lima at  Interior Secretary Jesse Robredo na higpitan ang pagbabantay kina Andal Ampatuan Sr. at Andal Ampatuan Jr., na mga pangunahing suspek sa pagpatay sa 58 katao sa Maguindanao.

Kabilang sa mga nasawi sa kahindik-hindik na insidente ay mahigit 30 mamamahayag.

Bagama’t napatawad na nila umano ang mga Ampatuan, binigyang-diin ni Tiamson na nais pa rin nilang panagutan ng mag-amang Ampatuan ang kanilang krimen.

Mangyayari lamang umano ito kung hindi bibigyan ang mga suspek ng pribilehiyong ibinigay kay Leviste. \

Kinalma ni De Lima ang mga kamag-anak ng mga biktima ng Maguindanao Massacre nang sabihin nitong tinutupad ng mga ahensya ng gobyerno ang nararapat upang tiyaking hindi nakapang-aabuso ang mga nasabing suspek.

Inamin ng kalihim na may kabagalan ang takbo ng kaso dahil sa dami ng mga akusado.

Sinabi rin ni De Lima na umaabot na sa 60 ang akusadong nababasahan ng sakdal at marami pa, kabilang si Andal Sr., ang isusunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply