Ampon ng Iloilo Mayor binoga

PATAY ang umano’y adopted brother ng  Iloilo City mayor na si Jed Patrick Mabilog nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon sa report, dead-on-arrival si Noynoy Mabilog sa ospital makaraang barilin sa Barangay Tap-oc, Molo at nagtamo ng sugat sa balikat at baba.

Hindi pa matukoy ng mga pulis kung sino ang bumaril sa biktima, ngunit maaaring ito ay may kaugnayan sa taong sinuntok nito kamakailan lamang.

Ayon naman sa mga kakilala ng biktima, madalas itong magkaroon ng kaaway.

Samantala, ayon kay Mayor Mabilog, nanatili sa kanilang bahay ang biktima ng mahigit limang taon matapos dinala ito ng kanilang yumaong ama, ngunit nilinaw na hindi ito legal na ampon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply