Anak ng barangay chairman pinaaresto ni Lim

INATASAN ni Manila Mayor Alfredo Lim si Manila Police District Station-4 Commander P/ Supt Jemar Modequillo na dakpin ang grupo ng mga tanod sa Barangay 476, Zone 47, District IV ng Maynila kasama na ang chairman nito sakaling ito ay makialam sa kasong pambubugbog na halos ikamatay ng isang bagets noong nakaraang linggo.

Kinilala ang biktima sa si Braile Justin Lim, 19, estudyante at nakatira sa 733 M. De La Fuente St. Sampaloc Manila na kasalukuyang naka confine sa UST hospital makaraang magtamo ng mga bugbog at pasa sa ibat-ibang bahagi ng katawan galing sa baseball butt at saksak sa kanyang kaliwang pisngi na halos ikabulag nito galing sa basag na bote.

Kinilala ng PO1 Arsenio Carpio si Joselito Cuenco, Brgy. Ex-o ng nasabing barangay, na siyang nanguna sa pambubugbog sa naturang biktima at isang alyas “Tito.”

Ayon sa sinumpaang salaysay ng saksi na si Franie Nechaldas , noong Mayo 11 dakong alas-3:00 ng madaling araw sa kanto ng Vicente Cruz at P. Florentino sa Sampaloc, Manila ng mamataan nila ang grupo ni Cuenco na pinagtututlungang gulpihin ang biktima pati na rin ang pagpalo ng bote ng redhorse beer na may laman at makaraang mabasag ang bote ay sinaksak nito sa mata at ng nakahandusay na ay binagsakan pa ng adobe sa dibdib ang walang malay na biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng pulis, ang suspek ay anak diumano ni Barangay Chairman Joaquin Cuenco. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply