Anak sa staff inamin ni Arnold Schwarzenegger

INAMIN Hollywood actor at dating California governor na si Arnold Schwarzenegger sa naanakan niya ang kanyang staff noong siya ay gobernador pa.

Sampung taon na aniya ang nakaraan nang isilang ang sanggol. Dahilan ng paghiwalay nila ng misis na si Maria Shriver.

Bago pa man inanunsyo ng dalawa ang paghiwalay nitong nakaraang linggo, umalis na si Shriver sa kanilang mansion matapos inamin ng “Terminator” star na nagkaroon siya ng anak sa ibang babae.

Sa statement na inilabas ni Schwarzenegger, sinabi nito ang katotohanan matapos ang kanyang serbisyo bilang gobernador ng California.

“After leaving the governor’s office I told my wife about this event, which occurred over a decade ago,” ani Schwarzenegger. “I understand and deserve the feelings of anger and disappointment among my friends and family. There are no excuses and I take full responsibility for the hurt I have caused. I have apologized to Maria, my children and my family. I am truly sorry.”

Kasabay nito umapela si Schwarzenegger sa media na irespeto ang kaniyang asawa at mga anak sa panahong ito.

Hindi aniya nararapat sa kaniyang pamilya na madamay sa mga kritisismo laban sa kaniya.

“I ask that the media respect my wife and children through this extremely difficult time. While I deserve your attention and criticism, my family does not.”

Hindi naman isinapubliko ang pangalan ng nasabing staff dahil may asawa na rin ito sa kasalukuyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply