Anak tinodas ni tatay dahil sa kaning lamig

UTAS ang isang lalaki matapos sumpakin ng sariling ama nang magdabog ang una makaraang hindi mabigyan ng kaning lamig ng huli sa Navotas, Martes ng hapon, Mayo 10.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa mukha si Ryan Tabiana, 21, ng Block 6, Bagong Silang, San Jose, nasabing lungsod.

Sumuko naman ang tatay nitong si Romeo, 50.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon, dumating ang biktima sa kanilang bahay at nanghihingi ng kanin sa suspek.

Nang magdabog ang biktima ay nagalit ang suspek hanggang mauwi sa pagtatalo.

Dito na kumuha ng sumpak si Romeo at pinutukan ang anak na naging dahilan ng kamatayan nito.

Matapos ang insidente ay sumuko ang suspek sa mga pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply