Anakbayan kay PNoy: Ibigay ang Luisita sa mga mahihirap

MAGANDA sana ang kumpletong package ng housing and livelihood pero bakit hindi ito ibigay sa milyun-milyong magsasakang walang lupa sa bansa, kasama na ang  Hacienda Luisita?

Ito ang hinaing na binanggit ng isang militanteng grupo ngayon.

Ayon kay Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan youth group, nag-iimbita lamang ng gulo si Pangulong Benigno Simeon “PNoy” Aquino III nang sabihin niyang mamimigay siya ng dalawang ektaryang lupa sa probinsya sa 560,000 pamilyang iskwater sa Metro Manila.

Ani Crisostomo, walang kakayahan ang administrasyong Aquino na ipatupad ang nasabing plano, lalo pa at mismong ang Hacienda Luisita na pag-aari ng mga Cojuangco ay hindi nila maipamigay ng maayos sa kanilang mga sakada.

Batay sa 2007 research ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, may 21 porsiyento ng bukirin sa bansa ay nasa kamay ng 9,000 katao lamang.

Kasama umano sa “land monopoly” ang mga pag-aari ng mga kaanak ni Pangulong Aquino at ni business tycoon Danding Cojuangco, na may pag-aaring 30,000 ektarya.

Aniya, magagawa lamang ng gobyerno mamigay ng sapat na farmland o sakahan sa mga informal settler sa bansa kung magkakaroon ng tunay na agrarian reform program.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply