Anda, Dagupan tinamaan din ng ‘fish kill’

DAHIL sa mga naunang report na tinamaan ng “fisk kill” ang Bolinao, Pangasinan, naglabas ng pahayag ang mga negosyante na hindi galing sa naturang lugar ang mga nasilutangang mga bangus kundi galing ito sa Anda, Pangasinan at inanod lang sa kanilang lugar.

Nabatid na sinalanta rin ng fish kill ang Dagupan na umabot ng hanggang 30 toneladang kilo ng bangus ang nangamatay. Halos umabot ng isa at kalahating trak ng patay na bangus ang nakuha sa mga naturang lugar.

Ang sanhi ng pagkakaroon ng fish kill ay kahalintulad ng nangyari sa Batangas ayon sa mga eksperto. Ang biglaang pagtaas ng temparatura ng tubig at kakulangan ng oxygen sa lugar ang naging ugat sa pagkamatay ng mga isda.

Apektado ang bentahan ng mga bangus sa mga nabanggit na lugar subalit sinusubukan naman ng mga lokal na pamahalaan na maipakalat sa mga mamimili na ligtas ang mga isda na ibibenta sa mga palengke dahil hindi ito kasali sa mga apektado ng fish kill.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply