Andal Sr. nais muling magpadala sa ospital

HINILING ng kampo ng depensa sa kasong Maguindanao Massacre na muling payagang madala sa ospital si Andal Ampatuan Sr., na umano’y nagrereklamo ng pananakit ng kanang binti at paa sanhi ng prostate ailment.

Sa sampung-pahinang mosyon na isinumite ng Fortuno, Narvasa and Salazar Law Office sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221, ipinapakiusap nito sa korte na pahintulutang maratay sa isang ospital ng gobyerno ang dating gobernador ng Maguindanao.

Kasama si Andal, Sr. sa mga akusado sa kaso ng malagim na masaker, kung saan ang pangunahing suspek ay ang kanyang anak na si Andal Jr.

“Accused Andal Ampatuan, Sr., by counsel, respectfully moves for his immediate referral to an confinement to any government tertiary hospital as he has been suffering from sharp, continuous pain in his swollen right leg and foot that may be caused by his recurring prostate ailment,” anang panig ni Andal, Sr.

Kasabay nito, hiniling na rin ng kampo ni Andal, Sr., na magpalabas ng kautusan si QC RTC Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes na nag-aatas sa warden ng Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City na i-refer siya sa sinumang manggagamot ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nauna nang na-confine si Andal Sr. sa AFP Medical Center (dating V. Luna Hospital) noong nakaraang 2010. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply