Ang pag-eehersisyo ay mahalaga — DOH

ILULUNSAD ng Department of Health ang isang malawakang aktibidad ukol sa kahalagahan ng pag-eehersisyo sa buong bansa sa Mayo 15.

Ang nasabing aktibidad ay tatawaging “Ehersisyong Pangkalusugan sa Lahat” na naglalayon na maiparating ang kahalagahan ng pag-eehersisyo bata man o matanda, lalaki o babae. Ito ay magsisimula sa sa rehiyon ng Caraga, Butuan City na pangungunahan ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) Caraga.

“Upang ating maiwasan, mapigilan at mapababa ang panganib na dulot ng non-communicable diseases gaya ng cardiovascular diseases, chronic respiratory diseases at diabetes, na higit na nagdudulot ng kasamaan sa ating kalusugan at pag-unlad, patuloy na ehersisyo ay kailangan,” ayon sa DOH-Caraga.

Sa Butuan City, ang DOH-Caraga, sa pakikipagtulungan ng city government sa pamamagitan ng Batyag Butuan, ay magkakaroon ng “Hataw Exercise” na gaganapin sa Rizal Park ng 6:00 ng umaga sa parehong araw.

Bago pa ang “Hataw,” isang fun walk ang gaganapin. Ang fun walk ay magsisimula sa opisina ng DOH-CHD Caraga patungo ng Montilla boulevard papunta sa Macapagal bridge at babalik sa Montilla boulevard at
magtatapos sa Rizal park.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply