Ang tindi pa rin ng libido ni direk

ZINOLALA, amigang Pete A., ang sikat at mahusay na director na ka-level na ni late Direk Lino Brocka na hanggang ngayon ever ay hindi pa rin pala tumitigil sa kanyang favorite hobby na manghala ng lalaki sa mga third run theater na nagsisingit pa rin ng pene movies?

Dati-rati ay nakikita namin si direk sa bukas pa noong Delta Theater diyan sa may Quezon Avenue. Kung feeling nyo ay choosy ito sa kukufingin niyang ombre, nagkakamali kayo. Kahit na mukhang kargador pa ang menchang ay hindi ito pinalalampas ni Direk.

Ang tipo rin kasi nitong guy ay ‘yung maskulado. Hindi ba’t may ka-live-in na silahista si direk kaya lang chaka na madalas ay napanonood mo sa kanyang mga pelikula?

At dahil sarado na ang karamihan sa mga sinehan na nagpapalabas ng bomba films, nakararating na ngayon si magaling na director sa Sta. Cruz Manila. May kasama itong bading sa tuwing nanghahala siya roon at ang nakatatawa, walang keber ang gay director na ito na sumasabay sa pakikipagrampahan sa mga starlet o walang namesung na mga bakla sa sinehan. Kesehodang nakikilala siya ng mga ito at tinatawag ang kanyang pangalan, deadma lang si direk na maskulado rin ang katawan.

Clue? Hello direk JL, ikaw ba ‘yan? Just asking!

***

Gretchen, Claudine OKs na

FINALLY ay nagkabati na raw ang mag-sister na Gretchen at Claudine Barretto na matagal na panahon ring hindi nag-iimikan. Ang parents ng dalawa ang siyang gumawa ng paraan para magkaayos na ang mga anak na naging mortal na magka-away pa.

Ang sabi, ilang beses nang nakita sina Greta at Claudine na magkasamang kumakain sa isang sikat na resto sa Makati at hindi man ito kinumpirma ni Gretchen, nagbigay naman siya ng statement ukol rito. ” You know, Claudine is my sister kaya imposibleng ‘di kami magkaayos. Maybe we have our differences but I never doubted our love for each other. I think it should end there,” seryoso pang pahayag ni Greta na muling pumirma sa ABS-CBN para sa bagong teleserye na “Alta” kung saan makakasama rito ng magandang aktres sina Angelica Panganiban, KC Concepcion, Zanjoe Marudo, Sam Milby, Luis Manzano at marami pang iba.

***

King of Talk Boy Abunda may ‘staying power’ ang career

MULA sa pagiging sikat na talent manager at owner ng sariling talent agency na Backroom Incorporated, hanggang sa kinuha ng Kapuso network at binigyan ng dalawang show na “Startalk” at “Show and Tell,” hanggang sa maging parte ng ABS-CBN kung saan may apat na show na siya kabilang na ang laging number one sa nationwide rating na “The Buzz,” masasabing may staying power talaga ang pamosong teevee host/philanthropist na si Kuya Boy Abunda.

Yes, patagal nang patagal ay mas lalong nagiging popular si Kuya Boy hindi lang dito sa Pinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pinapanood talaga ang King of Talk at sinusubaybayan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang buhay lalo na ang pagmamahal nito sa kanyang Nanay Lesing.

Dahil punung-puno ng kredibildad, pati kanyang mga endorsements ay tinatangkilik ng publiko. Di ba, naman kapatid na Philip Roxas?

Mapapanood rin pala si Kuya Boy sa kanyang “The Bottomline” tuwing Sabado ng gabi sa Dos at siyempre pa, ang nightly top-rating showbiz program nila ni Bianca Gonzales na “Showbiz News Ngayon” (SNN).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply