Angel Locsin naelya-elya, bumigay kay Aga Muhlach

INAMIN naman ng kampo ni Angel Locsin na sa lahat ng mga naging leading man niya sa mga pelikulang nagawa niya, si Aga Muhlach ang pinaka-good kisser.

Kinabahan at ninerbiyos pa nga si Angel nang kunan ang kanilang kissing scene para sa kanilang movie ni Aga na “In The Name Of Love”. First time nilang magsasama big screen.

Kinakabahan in a sense of hindi pa rin makapaniwala na isang iniidolo na aktor ay makakasama niya sa pelikula.

This is the best film nga raw na nagawa ni Angel sa kanyang showbiz career na mas lalo namang kumabog ang dibdib ng kukunan na ang kissing scene.

Na-perfect naman nila ang nasabing eksena at natuwa naman si Angel at naikumpara ang lahat ng kanyang mga leading men na nakasama na sa lahat ng kanyang project.

One-of-a-kind daw itong si Aga bukod sa pagiging isang mahusay na aktor, maginoo at guwapo ay magaling daw itong humalik.

At muntik-muntikan na raw na ma-carried away si Angel sa kanilang halikan blues ni Aga sa movie dahil sa husay ng aktor sa pakikipaglaplapan na sa palagay namin ay siyang kinaka-elya-elya ni Angel, promise.

Pinigil at kinontrol lang daw ni Angel pero muntik na daw siyang bumigay sa kanilang kissing scene ni Morning.

Isa lang naman ang masasabi ng kampo ni Angel, good kisser si Aga at wala siyang kaparis at dito lang daw ginawa ni Angel na makipaglaplapan nang todo at bonggang-bongga.

Abangan! Jovy Lloza

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply