Angel Locsin nalawayan ni Aga

MATINDI pala ang sex scene ni Angel Locsin sa pelikulang “In The Name of Love.” Akala namin tipikal na eksena lang ito na isinasahog sa isang pelikula para pampainit kumbaga.

Pero hindi, kakaiba pala talaga ang romansahan at lingkisan nina Angel at Aga Muhlach.

Nu’ng mapanood nga namin ito, feeling namin para kaming ngumuya ng sampung sili sa init na naramdaman namin nu’ng mga oras na ‘yon.

Aba’y first time na ginawa ng dating siyota ni Luis Manzano ang makipagkuyangyangan on screen na halos kita na ang kanyang bobsina. Swerte nu’ng mga bula na siyang tumakip sa dalawang papaya ng dalaga upang hindi tuwirang (tuwiran daw, o!) makita ang dalawang kambal.

May karapatan nga namang magselos ang bagong boyfriend ni Ms. Locsin na si Phil Younghusband. Paano’y naunahan siya ni Morning.

Kung siya’y pahalik-halik pa lang siguro sa kanyang GF, ang mister ni Charlene Gonzales ay nalawayan ito.
Sus, ginoo. ka Indoy! Kasuwerteng bata are. Hehehehe!

Imagine, dinapurak talaga ng alaga ni Manay Chit Ramos ang buong katawan ng siyota ni Phil Kaya pala nagselos itong huli.

Ang chika, kesa maburyong at magselos ng todo, pinakiusapan daw ng isa sa bida nang nagwakas na “Imortal” ang kanyang imported na sweetheart na huwag na lang manood ng naturang pelikula.

Tama…tama!

(No problem naman daw Abe. Special guest pa nga si Phil sa special block screening ng nasabing movie last May 12 sa Podium courtesy of the actress’ angels.-Ed)

***

KONTING advice lang sa paborito naming artista na si Bela Padilla. Sana huwag naman niya itong ipagdamdam. Napansin kasi namin na parang aloof siya sa mga reporters. Hindi siya marunong makisama.

Huwag niyang gayahin ang mataray at malditang si Marian Rivera na feeling eh, hindi na niya kailangan ang press people dahil sikat na sikat na raw siya. Ha!? Nabingi yata ako.

Kaya nga nu’ng magkaroon ng sigalot ang dalawa ay mas kinampihan nila si Bela dahil sa itsura pa lang talagang makikita mo na kung sino sa kanila ang mas mabait.

Sipatin ninyong maige ang kamuks ni Bela at Marian, hindi ba’t mas paniniwalaan mo ang una kesa sa huli?
Maamo kasi ang dating ng face ng talent ni Ms. Claire dela Fuente kumpara rito sa mala-demonyitang arrive ng girlfriend ni Dingdong Dantes, lalo na kapag tumataas ang mga kilay nito.

Kaya nga, Ms. Padilla, listen to your Lolo Abe, pag nakikipag-usap ka, be sincere at be sure na natutupad mo ang mga sinasabi mo, hindi ba Mommy?

***

Ano ini, break na raw sina KC Concepcion at Piolo Pascual?

Ke bagu-bago ng kanilang relasyon hiwalay agad.

But in fairness kay KC, nakikita namin ang love niya kay Piolo. ‘Yung pagmamahal niya ay totoo.

Ewan natin dito sa morenong aktor. ‘Yun bang feeling niya sa dalaga ni Mega ay true or false? Hahahaha!
Saan ka ba naman nakakita ng magkarelasyon na si lalake eh, busy-busy-han parati. Kung hindi pa pumunta sa kanya o kaya tumawag si babae  di pa sila magkakausap.

Payong kapatid lang, pareng Piolo, panindigan mo kung ano ‘yung pinasok mo.

***
Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cellphone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. sa kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply