Angelica Panganiban pakakasalan na ni Derek?

angelica

HOW true? Sa pagdalaw raw ng Kanong ama ng girlfriend na si Angelica Panganiban dito sa Pinas ay hihingin na raw ni Derek Ramsay sa ama nito ang kamay ng sexy actress sabay mamanhikan na rin.

Actually, hindi pa talaga nami-meet ng aktor ang kanyang future father-in-law dahil noong magkita ito at si Angelica ay mag-isa lang nagpunta sa Amerika ang sikat na young actress. Hindi nakasama noon sa kanya ang boyfriend na si Derek dahil may previous commitment ito that time.

Aba, pag nagkataon na matuloy ang planong pamamanhikan ni Derek, ang haba-haba naman ng hair ni Angelica.

Kunsabagay, deserve lang niya ang moment na ito dahil matagal na panahon din siyang nagmartir sa piling ng nobyong hunk model-actor. Hindi lang kasi sa iisang babae na-link itong si Derek kundi sa iba’t ibang girls at isa na sa na-involve noon sa actor ay ang beauty ng member ng EB Babes at regular nating napapanood sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga na si Saida Diola.

***

Lorna T. natukso sa datung ng TV5

ONGOING daw ang negosasyon ngayon sa pagitan ng manager ni Lorna Tolentino na si ‘Nay Lolit Solis at ang management ng ABS-CBN kung saan may top-rater na teleserye si LT na “Minsan Lang Kitang Iibigin” na magtatapos kundi August ay sa September.

Kaya may pag-uusap, ay dahil in principle tinanggap na raw ni ‘Nay Lolit ang napaka-tempting na offer ng TV5 para sa alagang si LT. Kailangan daw talagang mag-ipon nang todo-todo ngayon ng aktres. So, timing ang dating ng alok ng Singko sa kanya.

Ang tanong, papayag naman kaya ang ABS-CBN na pakawalan nila ang isang mahusay at bankable actress na tulad ni LT? Just asking.

***

Congressman Roman Romulo, No. 1 kongresista sa Pasig

LAHAT ng mga lumaban kay Congressman Roman Romulo para agawin sa kanya ang puwesto bilang kongresista sa Pasig ay pawang nangabigo. Papaano nila matatalo ang guwapo at mabait na congressman e, mahal na mahal siya ng mga Pasigueño?

Sino ba naman kasi ang hindi magmamahal sa mabait na pulitiko e andami nitong mga nagawa sa Pasig para lalo pa itong umunlad? Laging number one priority rin kasi nito ang kapakanan ng kanyang mga constituents kaya naglunsad siya ng iba’t ibang proyekto tulad ng “Tulong Kabuhayan Carts” kung saan marami ang napagkalooban ng libreng carts na nagagamit sa maliliit na negosyo.

Hindi lang ‘yan, tuluy-tuloy pa rin makabibili ang mga Pasigueño ng murang gamot, bigas, gulay at isda sa kanilang lugar.

Dahil masyadong mahalaga kay Cong. Roman ang edukasyon ay nagpatayo ito ng mahigit 70 classrooms sa iba’t ibang elementary school sa Pasig. Dahil sa rami ng kanilang silid-aralan may mga pamilyang galing sa ibang mga lugar na sa Pasig na pinag-aaral ang kanilang mga anak. Siyempre pa, hindi rin mawawala ang medical mission ng team ni Cong. Romulo na dumadayo sa iba’t ibang barangay sa Pasig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply