Angeline Quinto, K-La & Toni Gonzaga, sanib-pwersa sa kaarawan ni Sam Milby

AKALA nyo mga artista at singers lang ang may kumpetensya? Hindi ‘noh. Ang mga sing-along bars ay meron din silang pataasan ng ere as in rating or return of investment report ba yun something. Tulad ng Zirkoh sa Morato na mina-manage ng part-owner at amiable na si Lito Alejandria.

Ayon sa mga nagmemeron ay wala na raw talaga itong kalaban in terms of popularity at sa pagpapalabas ng mga sikat na celebrities sa kanilang venue. Ayaw mag-comment ni Lito A. tungkol rito and instead ay smile lang siya nang smile as if parang gusto niyang sabihing, “may kumpetensya ba?” Ganun ka-sekyur si Lito A. kahit alam niyang may mga nakikipag-kumpetensya nga sa kanya.

And speaking of big celebs and popular venues ito pa, nalalapit na ang kaarawan ng aktor na si Sam Milby. Magkakaroon siya ng very special pre-birthday concert sa May 14, 2011 sa Zirkoh Morato na may titulong “SAMthing Special…A Birthday Concert” kasama ang Star Power Girls na sina K-La Rivera, Krissel Valdez, grand winner na si Angeline Quinto at Ms. Toni Gonzaga hatid ng Dermablend Papaya Orange soap at Backroom, Inc., minor sponsors naman ang Glutamax, Mang Inasal, Boda Angela Designs at Cruven Auto Specialist.  For ticket inquiries ay maaring pumunta sa lahat ng SM Tickets 470-2222, Zirkoh Morato 376-7287 o tumawag sa 0917-4398587 (Reggee Bonoan).

Bukod sa mga nabanggit na special guests, ay marami pang surprise celebrity guests ang darating na hindi alam ni Sam kaya sugod na sa Zikoh Morato sa May 14, Sabado at maki-celebrate sa kaarawan ng aktor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply