Anim na patay sa bagyong ‘Bebeng’

ANIM katao na ang naiulat  na namamatay sa ilang araw na pananalasa ni Typhoon Bebeng sa Bicol at Visayan region sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sa huling tala ng NDRRMC, limang katao ang namatay  bunsod pa rin ng walang humpay na buhos ng ulan sa Camarines Sur bandang 4:00 kaninang madaling-araw na naging sanhi ng pagguho ng lupa, bato at putik sa Sitio Ikogan Barangay Luluasan, Balatan.

Kinilala ang tatlo sa mga namatay na sina Maribel Reulan Sanchez, 19; Princess Ruelan, 8; at Marco Sanchez Y Espinida, 7.

Hindi nagawang makaiwas sa kamatayn ang pamilya Ruelan nang mangyari ang insidente dahil pawang himbing sila sa kanilang pagtulog.

Ang bangkay ng tatlo ay nakahimlay ngayon sa mismong barangay chapel.

Samantala, hindi na umano passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang papasok sa nabanggit na bayan habang nalubog na rin sa tubig baha ang mismong spillway.

Samantala, sanhi pa rin ng tropical storm Bebeng, isang Luis Dingcol, 47, ng Barangay Canlanpay sa bayan ng  Carigara, Leyte ang namatay sa pagkalunod.

Mahigpit na rin ang pagpapatupad ng monitoring ni Balatan Mayor Ernesto Bagasbas sa ibang mga lugar na posibleng malubog sa tubig baha o iba pang insidente ng landslide.

Sa Naga City, kinumpirma ni Naga City Mayor John Bongat na 25 sa 27 mga barangay ang apektado ng mga pagbaha.

Ipinatutupad na rin ng lokal na pamahalaan ang force evacuation sa mga barangay na mababa ang elevation dahil sa inaasahang pagtaas ng level ng tubig sa dagat (hightide).

Storm Signal No. 1 na sa Masbate, Marinduque, Romblon, Laguna, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Isabela, Eastern Samar, Western Samar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply