Aning-aning ang sexy comedian

ZINOLALA ang Kapamilya sexy comedienne na ito na minsa’y matinong kausap pero minsan naman ay hindi?

Grabe kung magtrip ang hitad para bang may tinitirang katol. Ang feeling mo kapag nakakausap mo ito ay totoo siya sa iyo. Pero kaplastikan Lang pala ang lahat dahil kapag tinawagan mo na ito sa kanyang cellphone kung hindi close, cannot be reached.

Recently lang, dahil nagbirthday ang inyong dear columnist ay tinawagan namin ang babaing may amnesia. Aba, laking tuwa namin dahil sumagot naman ito. Ang kaso, split seconds lang ng conversation bigla na lang pinindot ng tuyoterang sexy star ang kanyang phone.

Bakit? Afraid ba siyang bayaran ang monthly dues niya sa amin ni BFFT na si Pete A. kaya hide and seek na ang drama niya?

Ha’y naku! Ang nilalang na katulad niya ay dapat di na sineseryso dahil lukresia kasilag!

Kaya, hindi na rin  kami nagtataka kung bakit maramot sa kanya ang kasikatan kasi aning-aning siyang tunay.

Zinekla ang ginatukoy (tinutukoy) nato (natin) na sexy comedienne? Naku! Kilalang-kilala siya at very close ito kay Kapatid na Roldan Frias Castro. Hello! RR Enriquez ikaw ba ‘yan girl? Just asking ha ha ha!

***

Ara Balik Viva

For obvious reason ay nagpaalam na finally si Ara Mina sa dating manager na si Dondon Monteverde.

At tinext lang ni Ara ang manager para ipaalam na babalik na siya sa Viva.

Yes, matatandaang original Viva baby itong si Menang. At sa kanyang pagbabalik sa dating mother studio kung saan magkakasama na sila ng younger sister na si Cristine Reyes ay pumira ng 5 years exclusive contract ang sikat na sexy actress at marami siyang gagawing projects rito.

Ayon pa mismo kay Boss Vic matagal din bago tuluyang nagdesisyon si Ara na bumalik sa kanyang movie company at isa sa proyektong nais niyang ibigay kay Ara ay ang isama ito sa balak na Sharon-Gabby movie na baka magkaroon raw ng katuparan kundi this year ay early next year.

Susugalan  raw talaga ng nasabing producer ang comeback movie nina mega at Gabo.

‘Yun na!

***
Mga Katapat Taob Pa Rin Sa The Buzz

Para makakalap ng mga fresh and hot news na kanilang ipi-feature sa mismong araw ng kanilang show na hosted ng mga respetado at mahuhusay na talk show hosts sa pangunguna ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda with three lovely co-hosts KC Concepcion, Toni Gonzaga and Ms. Charlene Gonzales, talagang sinasala ng business unit head ng The Buzz na si Sir Louie Andrada at Ms. Nancy Yabut(executive producer) ang bawat issue na tatalakayin ng kanilang mga hosts.

Siyempre, maliban sa mga segment nila Kuya Boy, KC, Toni at Charlene, inaabangan rin always ng kanilang million viewers ang kanilang mga celebrity guest kung straight to the point ay nasasagot ng mga ito ang kinasasangkutang controversial issues.

Kaya every Sunday after Your Song Presents watch na tayong lahat sa undisputed number one showbiz talk show na The Buzz.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply