Anti-laundering council idinepensa ni de Lima

IPINAGTANGGOL ni Justice Secretary Leila de Lima ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa reklamong kinahaharap sa Ombudsman kaugnay ng kabiguang ipa-freeze ang ari-arian ng mga Ampatuan.

Ayon kay De Lima, nauunawaan niya ang sitwasyon ng AMLC dahil sa kawalan nila ng sapat na kapangyarihan.

Ihinalimbawa ng kalihim ang kawalan ng access ng AMLC para malaman ang estado ng mga pagdinig ng Ombudsman kaugnay sa reklamo laban sa mga Ampatuan.

Sinabi ni De Lima na kung may awtoridad lamang ang AMLC para imbestigahan ang bank accounts ng mga hinihinalang money launderers nang hindi hinihingi ang permiso ng mga ito, mas magiging madali sana ang lahat.

Isa pang nakitang problema ng kalihim ay ang kawalan ng kapangyarihan ng AMLC upang maipa-freeze ang ari-arian ng mga hinihinalang money launderer, kahit na sumandali lamang.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply