Anti-Money Laundering law ok sa DOJ

WALANG nakikitang masama si Justice Secretary Leila de lima sa panukalang pag-amiyenda sa Anti-Money Laundering law sa Kongreso upang mabigyan ng mas matibay na kapangyarihan ang Anti Money Laundering Council (AMLC).

Partikular na sinang-ayunan ni De Lima ay ang panukala na magkaroon ng kapangyarihan ang AMLC na direktang makapag-imbestiga sa mga tinatawag na predicate crimes ng hindi na kailangan pang hintayin ang report ng isang investigating agency.

Sinabi ng kalihim na dapat ding unawain ng publiko na hindi basta makakilos ang AMLC para sa pagpapa-freeze ng mga ari-arian ng hinihinalang money launderer hangga’t walang status report ng kanilang mga kinakaharap na kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply