Anti-money laundering law palalakasin

KINATIGAN ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Vicente Aquino ang panukalang palakasin at dagdagan pa ng ngipin ang anti-money laundering law sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni Aquino sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa panukalang pag-amyenda sa anti-money laundering law na isinusulong nina Senators Serge Osmena at Edgardo Angara.

Sa panukala ni Angara, sinabi nito na dapat isama sa predicate crimes at patawan ng mabigat na parusa ang pagbibigay ng pondo sa mga terorista.

Ayon naman kay Aquino, kailangang dagdagan ang listahan ng mga kaso sa ilalim ng anti-money laundering para madaling mamonitor ang galaw ng pera na galing iligal na aktibidad.

Iginiit ni Aquino, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may konti lang na predicate crimes sa AMLAC dahil sa bansang Singapore at Indonesia ay mahigit na 300 mga kaso ang hawak kaugnay sa nasabing batas.

Tutol naman si Senador Joker Arroyo sa pagpapalawig pa ng predicate crimes dahil maaaring gamitin umano itong panggigipit ng gobyerno at mga pulitiko sa kanilang kalaban.

Ikinatwiran ni Arroyo na marami ng predicate crimes ang sakop ng AMLC, gaya ng korapsyon, kidnapping for ransom, plunder, robbery/extortion, jueteng/masiao, swindling, hijacking, piracy at terrorism. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply