Anti-terrorism drive prayoridad sa ASEAN

PAGLUPIG sa terorismo ang isa sa pangunahing isyu na tatalakayin sa ginaganap na 18th Association of South East Asia (ASEAN) Leader’s Summit sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.

Sinabi ni Indonesian National Counter-Terrorism Agency (NCTA) Chief Arsyad Mbay na ang pagresolba sa banta ng mga grupong terorista ang pawang suliranin na kinakaharap ng 10 bansang kasapi ng ASEAN.

“Terrorism is our common enemy in ASEAN and therefore it should be the main issue in the discussions on ASEAN Security and Political Community,” ani Mbay.

Mahalaga, aniya, na ang kasalukuyang hakbangin ng ASEAN nations sa paglaban sa banta ng terorismo ay kailangan na palawigin pa at palakasin upang makatiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan ng mga bansa sa rehiyon.

“ASEAN cooperation in the handling of terrorism is the most tangible and concrete one at the most operational level with extradition mechanism and inter police cooperation,” dagdag pa nito.

Inihalimbawa pa nito ang kasalukuyang kooperasyon at pagpapalitan ng intelligence report sa pagitan ng Indonesia-Malaysia-Singapore-Pilipinas na nagsisilbing basehan at modelo para sa pagpapalakas pa ng pagkakaisa sa ASEAN Security and Political Community sa hinaharap na panahon.

“Cooperation that has been paved by the ASEAN member countries can be an embryo for another cooperation in the handling of terrorism,” pagtatapos ni Mbay.

Si Pangulong Benigno Aquino III ay kasalukuyang abala sa sunud-sunod na pagpupulong sa ASEAN Summit kasama ang mga kapwa lider ng bansa mula sa Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply