Apat na record naitala sa weightlifting

BACOLOD CITY – Apat na bagong national record ang naitala sa women’s weighlifting sa isinasagawang POC-PSC- National Games dito.

Sa pangunguna ni 2010 Guangzhou Asian Games campaigner Hidilyn Diaz, matikas na tinabunan ng women’s weightlifter ang mahuhusay na performance sa iba’t ibang sports sa kahanga-hanga record na nagpatibay sa status ng weighlifting bilang isa sa kapaki-pakibanang na sports sa Pinoy.

Nakuha ng 16-anyos na si Diaz ang gintong medalya sa 58 kgs. class sa impresibong 95 kgs. sa snatch at 120 kgs.  sa clean and jerk para sa kabuuang 215, sapat para mabura ang junior record (88-108-196) at open class record (94-115-209) na nailista niya sa Guangzhou Asiad  noong nakaraang Disyembre.

Hindi rin nagpahuli ang magkapatid na Patricia at Lea Ruth Llena, gayundi ang sumisikat na si Maybelyn Pablo.

Nakuha ng 18-anyos na si Patricia ang ginto sa 69 kgs category sa binuhat na 85 (snatch) at 100 sa clean and jerk para sa kabuuang 185, limang kilo ang itinaas sa dati niya ring record na 85-100-185 na naitala niya may isang taon na ang nakalilipas sa Asian Cup sa Uzbekistan.

Sumabay din ang nakababata niyang kapatid na si Lea Ruth sa 63 kgs division sa panalong 75 (snatch), 85  (clean and jerk) para sa kabuuang 160, malayo sa dating record na 50-67-117 na record na naitala ni Diaz noong 2009 National Open.

Naitala naman ni Pablo ang bagong record sa 75 kgs. sa 76-98 at total na 174.  Ang dating record sa naturang kategorya ay 70-85-155.

Sa judo event ng torneo na suportado ng Smart, P&G, Scratch It, Go for Gold, at Summer Mineral Water, gold medalists sina SEA Games champion John Baylon (81 kgs.), Gilbert Ramirez (73 kgs.),  Angelo Gumila (90kgs.), Mohammad Helou (100kgs.), Matthew Simon Jao (100kgs. plus), Annie Ramirez (57 kgs.), Eunice Lucero (63kgs), Jerica Senales (70 kgs.) Adrienne Bernardez (78 kgs) at Precious Rosos (78 kgs, plus).

Habang sa swimming, nanguna ang Manila tankers tulad nina Voltaire Vitug (36.41, 50m free 10-under), Michael Kong (29.31, 50m free 11-12 ), Milcah Mina (35.49, 50m free 10-under girls), Paula Ann Regine Cayanan (29.23, 50m free gilrd 11-12).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply