Arabo na papasakay ng eroplano, inatake sa puso

HINDI na nakauwi nang buhay sa kanilang bansa ang 55-anyos na turistang Arabo matapos atakehin sa puso bago pa man makapasok sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Linggo ng hapon.

Nagawa pang makasakay ng taxi at magpahatid sa paliparan ang biktimang si Abdulmohsan Abahussain mula sa pansamantala niyang naging tirahan sa 128 H.P. Dela Costa St., Makati City subalit bigla na lamang dumaing ng pananakit ng dibdib nang pagsapit sa Terminal 1 dakong alas-2 ng hapon.

Kaagad na humingi ng tulong ang taxi driver na si Franklin Paz sa security guard ng paliparan at isinugod sa Medical Division ang Arabo upang mabigyan ng pang-unang lunas.

Nang hindi na bumalik ang ulirat ng turista ay dinala na siya sa San Juan De Dios Hospital subalit idineklarang patay na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply