ARMM elections gagawing mano-mano

DAHIL na rin sa patuloy na debate at sunod-sunod na pagkakaantala sa itinakdang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), inamin ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na kayang gawing automated ang halalan na nakatakdang gawin sa Agosto.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, bahagya umanong naantala ang kanilang paghahanda dahil na rin sa patuloy na debate kaugnay sa panukalang pagpapaliban sa eleksyon.

Paliwanag pa ng opisyal na dahil sa isyu ng poll postponement ay hindi na nila itinuloy ang kanilang negosasyon sa kompanyang Smartmatic-TIM, na magsu-supply sana ng election machines.

“We slowed down and did not sign any formal contract,” ayon sa pahayag ni Brillantes.

Pero sa harap nito, sinabi rin ni Brillantes na malaki ang matitipid ng gobyerno sakaling gawing mano-mano ang halalan sa ARMM, dahil aabutin lamang umano sa P600 million ang gastos dito kung ikumpara sa P1.5 billion na laang pondo para sa poll automation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply