ARMM polls pinupulitika ni PNoy – Nene

WALANG ibang nakikitang dahilan kung bakit nagkukumahog ipagpaliban ng administrasyon ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) kundi ang pulitika at manatili sa poder ang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni dating Sen. Aquilino Pimentel Jr., na tanging “partisan power play”  lamang ang ugat ng kagustuhan ng administrasyon na ipagpaliban ang halalan sa ARMM na nakatakda sa Agosto 8, 2011.

“The administration wants to postpone the ARMM election probably to give its candidates a decisive edge in the 2013 ARMM and senatorial elections and in the 2016 presidential, vice presidential and senatorial elections,” ayon kay Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na sakaling maipasa ang isang batas base sa dalawang panukala na nakabinbin ngayon sa Senado, magkakaroon ng kalayaan ang Palasyo na magtalaga ng officers-in-charge (OICs) upang pansamantalang pamahalaan ang ARMM sakaling hindi kailangan sa panukala na magkaroon ng plebisito.

Inihayag pa ni Pimentel na mapanganib na mapanghawakan ng magiging OIC ang taunang badyet ng ARMM na umaabot sa P11 bilyon kada taon kaya mula 2011 hanggang 2013, mapapasakamay nito ang halagang P33 bilyong pondo na magagamit bilang election war chest para sa makinaryang pulitikal ng administrasyon sa ARMM pa lamang.

“Knowing how partisan politics is played in this country, there is no doubt that the OICs will be tasked to ensure victory not only for the administration candidates in the 2013 ARMM election but also to get the votes for the administration’s senatorial bets in 2013,” paliwanag ng may akda ng ARMM Organic Act.

Umaabot sa mahigit isang milyon ang botante sa ARMM pa lamang.

“Once they win in the 2013 ARMM election, they would then have a much bigger role in delivering the votes to whoever the administration wants to anoint as its presidential, vice presidential and senatorial candidates in 2016,” ayon kay Pimentel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply