Arraignment ng QC court kay Andal naudlot

MULING hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal kay dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr., isa sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre case.

Sa kabila ng inihaing mosyon ng depensa para sa arraignment ng suspek kanina ay ipinagpaliban ni Quezon City RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pagbaba ng desisyon sa nabanggit na mosyon.

Inaasahan umano na ipapalabas ni Judge Reyes ang arraignment order sa lahat ng mga akusado bago ang araw ng Biyernes.

Maliban kay Andal Sr., kabilang pa sa mga akusado sa pagpaslang sa 58 katao noong November 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao ay sina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan, Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr.at mahigit 100 iba pa.

Una nang sinabi ni private prosecutor Atty. Nena Santos, na hindi nila haharangin ang naturang mosyon ng depensa na humihiling sa korte na mabasahan na ng sakdal ang mga akusado sa krimen.

Magugunitang hindi pa rin nababasahan ng sakdal ang mga akusado sa krimen dahilan sa binubusisi pa ng korte ang ibat ibang mga mosyon ng ibang mga akusado sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply