Arroyos ‘di VIPs kapag nag-exile sa Amerika

HINDI bibigyan ng “special treatment” ng Obama administration ang mga Arroyo sakaling piliin nilang manatili sa Estados Unidos at huwag ng bumalik sa Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni Akbayan Rep. Walden Bello matapos mapaulat na posibleng hindi na bumalik ng Pilipinas si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, na ngayon ay nasa San Francisco, California kasama ang kanyang asawang si dating First Gentleman Mike Arroyo at mga anak kabilang si Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo.

Sa kanyang text message sa ipinalada sa Remate Online, sinabi ni Bello na “the Obama administration would not give them a special deal like the Reagan administration did to the Marcoses.”

Iminungkahi ni Bello na maaaring kupkupin  ang mga Arroyo ng bansang Congo, na ngayon ay may nangyayaring giyera sibil.

”There are now very few countries where corrupt former heads of state can hide with government protection,” aniya.

Dagdag pa ng mambabatas: “Maybe the Congo, but it’s in a state of civil war and I don’t think the Arroyos would like that. They’re lucky they face only jail and not a death sentence.  So they should be grateful.”

Naunang hinamon ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino ang pamilya ni Arroyo na bumalik sa bansa upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Sakali aniyang hindi magbalik ang mga ito upang takasan ang kanilang mga kaso ay meron naman aniyang extradition treaty ang Pilipinas at ang Estados Unidos.

“Sana bumalik para harapin ang mga kaso nila. Anyway may extradition treaty naman tayo with US,” sinabi pa ni Palatino sa kaniyang text message sa Remate Online.

Ang pahayag na ito ni Palatino ay kasunod ng balitang dumating sa San Francisco California, USA ang mag-asawang Arroyo sakay ng Cathay Pacific.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply