Arsobispo wala nang interes sa SONA ni PNoy

WALA na umanong interes ang isang arsobispo ng Simbahang Katoliko sa susunod na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na nakatakdang idaos sa Hulyo.

Ito ay bunsod sa paninindigan ng pangulo sa Reproductive Health (RH) bill na mahigpit namang tinutulan ng simbahan.

Inaasahang sa Hulyo ay mag-uulat sa ikalawang pagkakataon ang Pangulo sa Kongreso kaugnay na rin sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Hindi ako nakikinig sa mama na yun, kasi wala namang sinasabi, iba naman ang may gawa nun pagkatapos, he does not know what he is talking about. Hindi nya alam ang consequence non sa ating bayan. Hindi ako nakikinig dun, I’m not supporting him,” ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles.

Sinabi ng arsobispo na kung ang mga yumaong magulang ni PNoy na sina dating Senador Ninoy Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino ay maituturing na bayani, kabaliktaran naman ang kanilang anak.

“He does not know what he is talking about. Hindi niya alam ang consequence non sa ating bayan. Hindi ako nakikinig dun, I’m not supporting him. Naniniwala akong hero ang kaniyang magulang pero siya hindi. I don’t expect much from him,” pahayag ni Arguelles.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply