Articles of Impeachment ibabasura na sa Lunes

SA halip na simulan ang pagbubuo ng Impeachment Court alinsunod sa itinakdang Rules of Procedures, pormal na ibabasura ng Senado ang Articles of Impeachment na inihain laban kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Inihayag ito ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III kaya hindi na nangangailangan magtungo ang House panel of prosecutors sa Senado sa dakong hapon sa Lunes, Mayo 9, upang humarap sa impeachment court.

Sinabi ni Sotto na dakong 10 ng umaga nang mag-umpisa ang sesyon ng Senado sa Lunes na pangunahing agenda ang pagbabasura sa articles of impeachment laban kay Gutierrez.

Pero dahil sa nagbitiw na sa puwesto si Gutierrez, sinabi ni Sotto na ipapa-archive na lamang nila ang articles of impeachment bago atupagin ang ibang legislative agenda ng Senado.

Nilinaw naman ng senador na ang inaprubahan nilang Rules of Procedure on Impeachment Trial ay hindi kailangang ibasura dahil magagamit pa ito sa mga darating na impeachment trial sa hinaharap.

“Yung rules of procedure, nakaguhit na sa bato yun,”diin ni Sotto.

Pinayuhan din ng senador ang mga miyembro ng house prosecution panel na huwag nang pumunta ng Senado para sa sesyon ng Impeachment Court ng alas-2 ng hapon, kung sa umagang sesyon ng Senado ay pormal na isasara na nila ang sesyon ng Impeachment Court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply