Artistang pro-RH bill ‘wag tularan- bishops

HINDI mabubuting halimbawa para sa mga kabataan ang mga artistang sumusuporta sa contraceptives at Reproductive Health (RH) bill, pahayag ng mga obispo ng Simbahang Katoliko ngayon, Lunes.

Inakusahan ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang mga nasabing artista na hindi pinag-aralan ng RH bill ang magiging epekto nito sa moralidad ng mga kabataan.

Kasabay nito, pinayuhan pa ng obispo ang mga kabataan na huwag magpadala sa kanilang mga iniidolong artista dahil hindi lahat sa mga ito ay mabuting ehemplo.

“They do not know they are talking about. People are easily fooled by those so called actors and actresses. I wish many of them are not Catholics,” anito.

Pinuri naman ni Bastes ang mga tumututol sa RH bill, tulad ni Pambansang Kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

“I am happy na hindi lahat ng artista ay pabor sa RH bill. Marami rin sa kanila ang tutol dito. Maraming prominent people ang tutol sa RH bill like Saranggani Rep. Manny Pacquiao,” ayon kay Bastes, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Dagdag nito: “In fact, we have out permanent council meeting tomorrow at CBCP then si Pacquaio ang isa sa bisita namin.”

Umapela naman si Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa publiko na huwag pakinggan at paniwalaan ang mga artistang sumusuporta sa RH bill.

Ayon kay Arguelles, pera ang dahilan kung bakit may mga artistang sumusuporta sa RH bill.

“May mga tao akong nakakausap at marami daw ang mga artistang sumusuporta sa RH bill dahil maraming pera ang involved dito. May bayad kasi ang mag-endorse ng condom, ‘yan ang isang dahilan,” ani Arguelles.

Aniya pa, marami sa artista ngayon ang may problema sa kanilang marital life kaya’t suportado ng mga ito ang panukalang batas dahil advantage sa panukalang ito ang diborsyo.

“Advantage sa kanila iyon dahil madali na ang makapag-divorce kasi sa RH bill sunod-sunod na ‘yan, kasama ang diborsyo at same-sex marriage na sumusira sa moralidad ng lipunan,” ani Arguelles.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply