ASG member timbog sa Robinson’s place, Ermita

POSITIBONG miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang natimbog ng mga tauhan ng Philippine National Police ng National Capital Regional Office, matapos mamataan sa isang mall sa Ermita, Manila kaninang tanghali.

Sa naantalang ulat, dakong 11:00 ng tanghali, habang nasa kasagsagan ng  laban nina Mannny Pacquiao at Sugar Shane Mosley, isang Astadul Sahiran na may mga alyas na Abu Nawas at Kirih Hamid Suhiran  ang namatan sa Robinson’s Place sa Pedro Gil at Padre Faura St., sa Ermita.

Dahil dito, magkasanib puwersa ang Inteligence & Investigation Group at NCRPO, bitbit ang bisa ng warrant of arrest ni Judge Leo Jay Princepe ng Isabela RTC 9TH Judicial Region Br. 1 ng Isabela Basilan ay kanilang inaresto ang bandidong Abu Sayyaf.

Sa report ng pulisya, may patong na P3.3 milyon pabuya sa sinomang makakadakip sa suspek na may kasong 9 counts of Murder at 4 counts of Frustrated Murder.

Gayunman, matapos matimbog, dinala ang nasabing bandido sa NCRPO sa Bicutan sa Taguig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply