Asian cue artists handa na sa World Ten Ball Championship

PIPILITIN ng Asian cue masters na mapunta naman sa kanila ang titulo ng prestihiyosong World Ten Ball Championship (WTBC) na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City, sa Mayo 9-15.

Pawang European ang nagkampeon sa una at ikalawang staging ng WTBC sa Pilipinas habang dalawang Asian cue artists ang nag-runner up.

Unang nasungkit ni Darren Appleton (Great Britain) ang titulo noong 2008 matapos gapiin sa finals si Wu Chia-Ching (Chinese Taipei).

Noong 2009 nakopo naman ni Mika Immonen (Finland) ang titulo ng pataobin nito ang Filipino cue artist na si Lee Vann Corteza.

Sina Corteza at Wu ay parehong dekalibreng Asyanong tumbukero sa bilyar.

Sisikapin ng mga Asyanong bilyarista ngayong 2011 na mapunta sa kanila ang pinakamalaking event sa bilyar.

Ang Pilipinas na sinasabing home of billiards players ay mangunguna para sa Asian bidders.

Sina Dennis Orcullo, ang newly-crowned World 8-Ball champion, world’s No.1 player Antonio Lining, double world champion Ronnie Alcano, former World Ten Ball runner-up Corteza at si Carlo Biado, ang mga Pinoy players na siguradong slot na sa main draw.

Ang ibang Pinoy bets na gusto ring makilala sa buong mundo at nabigyan ng pagkakataong tumumbok sa nasabing kompetisyon sina Jeff de Luna, Joven Alba, overseas Filipino worker’s Oliver Medenilla, Raymond Faraon, Venancio Tanio at Mario Tolentino, former national junior champion Jericho Bañares, Victor Arpilleda, Jundel Mazon, Rodolfo Luat, Ramil Gallego, at Ruben Cuna.

“The World Ten Ball Championship is the only world championship which the Philippines has yet to win,” wika ni JP Fenix, presidente ng Raya Sports. “In fact, it was the Europeans who won the first two editions of the WTBC.”

Sasargo ang 128 manlalro sa main draw upang masungkitin ang $60,000 para sa magkakampeon at $30,000 sa runner-up.

Samantala, ipaparada naman ng Chinese Taipei sina former World Pool Championship runner-up Kuo-Po Cheng, newly-crowned Beijing 9-Ball Open champion Chang Jung Lin, Fu Che-Wei at Chen Chie Liu.

Maglalaro naman para sa China sina Philippine Open Pool Championship semifinalist Liu Haitao, veteran campaigners na si Li Hewen, Dang Jinhu, Wang Ming, Han Hao Xiang at Fu Jianbo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply