Aso patay sa pagligtas sa amo

MULING pinatunayan ng aso na sila ang “man’s best friend” ng ibuwis ng isang canine ang kanyang buhay kapalit sa kaligtasan ng kanyang 19-anyos na babaeng amo laban sa isang lalaki na armado ng kutsilyo Barangay Barra, Roxas City.

Ayon sa ulat na ipinarating sa PNP Joint Operation Center, pinasok ng lasing na suspek na kinilalang si Jovic Bones ang  computer arcade na pagmamay-ari ng biktima na si Princess Joy Espina, anak ng isang retiradong pulis.

Bitbit ang patalim ay walang sabisabing nilapitan ni Bones ang nagulat na dalaga at aktong sasaksakin ito ng suspek ng maramdaman ng aso ang panganib.

Isang iglap ay biglang lumundag ang aso at humarang sa kanyang amo kung kaya’t ito ang tinamaan sa tagiliran na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Labis naman ang pasasalamat ng biktima dahil ibinuwis ng alagang aso ang buhay nito para mailigitas ang kanyang buhay. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply