Ateneo Blue Eagles, FEU Tamaraws 5-0 sa FilOil Premiere Cup

NANANATILING nasa tuktok ng team standings sa Bracket A at B ng FilOil Flying V Hanes Preseason Premier cup ang Ateneo Blue Eagles at ang Far Eastern University Tamaraws sa malinis na 5 wins at walang talong slate.

Dinagit ng Blue Eagles ang National University Bulldogs sa iskor na 71-66 sa inisiyatibo ni rookie Kierfer Ravena na bumuslo ng 13 puntos sa pagtatala ng kalamangan sa unang dalawang quarters, 39-35.

Sa pagpasok ng 3rd quarter at ng final frame, ang mga beteranong sina Eman Monfort ay umarangkada ng 11 puntos at si top scorer Justin Chua ay tumotal ng 17. Sa koponan ng Bulldogs pinasigla ang laro ni Bobby Ray Parks sa kanyang game high na 21 points, 7 rebounds, 5 assists, at isang block para sa Bulldogs na dumausdos sa kanilang pangalawang talo sa group A.

Si RR Garcia na bumuslo ng 14 puntos sa mga huling minuto ng laro ang nagpasalba sa Morayta-based ballteam ni coach Bert Flores na tumapos sa University of the East Red Warriors, 80-77.

Sa unang game ng triple header nasungkit ang secod position sa group B ng Adamson Falcons kasunod ng panalo laban sa Emilio Aguinaldo College Generals sa iskor na 57-54.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply