Ayman al-Zawahiri

MARAMI ang nagdiwang sa pagkamatay ni Osama Bin Laden, ang pinaniniwalaang number one leader ng terorismo sa buong mundo at ang may pakana ng malagim na sakuna sa Amerika noong September 11, 1999.

Una sa dapat lang na magbunyi ay ang pamilya ng mga namatay noong September 11. Pero hindi minamaliit ang organisasyon ng al-Qaeda, kamamatay pa lang ng sinasabing pinuno nito ay naibalita na agad ang kapalit sa pwesto ni Bin Laden, isang matalino at edukadong doktor na si Ayman al-Zawahiri. Kanang kamay, ang No. 2 ni Bin Laden. Hindi sikreto si Zawahiri.

Naka-surveillance ang buong mundo, sa pangunguna ng United Nations Security Council, at laging on the look-out sa kanya. Ayon sa mga naiulat na sa kanya, kasapi sya ng al-Qaeda mula pa noong pagkakatatag nito at ang tinagurian ng marami na “lieutenant” ni Bin Laden.

May nagsasabi pa na siya ang tunay na utak ng al-Qaeda, at ngayon na kinumpirma ang pagkakalikida kay Bin Laden, nagpahayag na raw ng galit sa madla si Zawahiri. Malaking dagok man sa mga terorista sa buong mundo ang pagkamatay ni Osama Bin Laden, itinuring man itong tagumpay ng Amerika, hindi pa rin dapat ibaba ang pagiging alerto sa ano mang maaaring pag-atake ng terorismo.

Dapat handa ang mundo, dapat handa ang mga bansa, dapat handa ang Pilipinas. Hindi man natin lubos na maintindihan ang dahilan ng kanilang ipinaglalaban na ipinahahayag nila sa pamamagitan ng karahasan, alam natin kung gaano sila ka-bayolente at kung gaano kadali nila kayang isagawa ang isang karumal-dumal na krimen. Dapat laging maging handa at alerto ang mga may kapangyarihan ng bawat pamahalaan para sa seguridad ng bawat isa lalo pa ngayon na kakamatay lang ni Osama.  Ano ang saloobin ninyo tungkol sa pagkamatay ni Bin Laden mga tagasubaybay?  Ano ang epekto nito sa ating mga Pinoy kung meron man?

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply