Babala sa inuming may DEHP itinaas

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na iwasang bumili ng mga softdrinks, sports drink, fruit juices na galing Taiwan na kontaminado ng kemikal na nakasasama sa kalusugan.

Ayon kay FDA Director Suzette Lazo, nakumpirma ng mga awtoridad sa Taiwan na may kemikal na iligal na inihahalo sa sangkap para sa mga pagkain at pinangalanan ang kemikal na Di (2-ethylhexyl) phthalate (DEHP).

Bilang pag-iingat, hindi muna inilabas ng Taiwan ang mga pangalan ng produkto na may nabanggit na kemikal subalit pinaalalahanan ng FDA ang mga Pilipino na huminto na sa pagtangkilik ng mga inumin na galing Taiwan.

Sa oras na maglabas ang Taiwan ng mga pangalan ng produkto na may sangkap ng kemikal na ito ay ipatatanggal ng FAD ang mga ito sa mga pamilihan gaya ng supermarkets at convenience stores ngunit bilang pag-iingat ay dapat pansamantala munang alisin ng mga pamilihang ito ang mga produktong inumin galing Taiwan hanggang mapatunayan na ang mga ito ay walng nakalalasong kemikal.

Ang kemikal na DEHP ay gingamit sa paggawa ng mga plastik tulad ng mga pinaglalagyan ng dugo sa bloodbank, mga tubo at gastric tubes sa mga ospital. Ang matagalang pag-inom ng mga kemikal na ito ay nakakaapekto sa bayag, kidney at pagbubuntis.

Kasalukuyan ng inaalam ng FDA kung anong lokal na distributor at saan naikalat ang mga produkto ng isang kumpanya sa Taiwan na may kemikal na ito matapos magbigay ng ulat ang pamahalaan ng Taiwan ng pangalan ng kumpanya na nagbenta sa Pilipinas ng kontaminadong produkto. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply