Back-to-back win ng North team naitala sa Boracay

KABUUANG anim na panalo ang naitala ng North team kontra sa 4 na talong record laban sa South team magmula nang ganapin ang taunang tunggalian ng mga piling manlalaro ng PBA na kumakatawan sa Luzon laban sa players mula sa Visayas at Mindanao.

Sa pinakahuli at pinakamakulay na All-Star game weekend na ginanap sa Eco-village and Convention Center sa Boracay, muling naisukbit ng North team ang panalo sa iskor na 133-129 na back-to-bak win kasunod ng 133-131 paglupig sa South team sa ginanap na laro sa Puerto Princesa noong 2010. Naitala ng North team ang unang back-to-back win noong 1993 at 1994.

Naging gitgitan ang laro na may 15 deadlocks at 23 beses na nagpalit ng kalamangan. Sa huling 12.4 segundo ay nahablot ni Marc Pingris ang rebound na nagresulta sa pagsalpak niya ng 132-129 abante.

Sa susunod na play tinangka ni Jimmy Alapag na maipanalo ang team na tinanganan ni coach Chot Reyes subalit sumablay ang kanyang 3-point attempt at nasambot ni Willie Miller ang rebound na sinundan ng foul habang paubos na ang oras. Naibuslo ni Miller ang isang puntos at sumablay sa pangalawa hanggang matapos ang laro.

Si Pingris na tumutal ng 24 points, humablot ng 9 balls, umagaw ng dalawa at nakasupalpal ng minsan ang tinanghal na most valuable player. Bukod sa tinamong karangalan ay pinagkalooban siya ng P20, 000.

Pumutok si Arwind Santos ng 24, Kerby Raymundo ng 19, 16 puntos si Miller, 11 points si Rabe Al-Hussaini, L.A Tinorio ng 10 habang sa panig ng South team ay si Dondon Hontiveros ang top scorer sa kanyang 19 na sinundan ng tig-15 nina James Yap, Jay Washington at Asi Taulava.

Sa naunang ginanap na Legends shootout, naisahan ng trio nina Mark Macapagal ng Powerade, Ronald Tubid ng Barangay Ginebra at Jimmy Alapag ng Tropang Texters ang mga beteranong 3-points superstars na sina Allan Caidic, Alvin Patrimonio at Renato Agustin, 43-31 sa gitna ng pagbubunyi ng mga turistang dayuhan at lokal na pumuno sa Boracay Convention Center.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply