Bagets na snatcher, 2 kasabwat timbog

NAHULOG sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong holdaper na kinabibilangan ng dalawang babae matapos manghablot ng gintong kuwintas sa isang Chinese national, Lunes ng umaga sa Binondo, Manila.

Dahil sa menor-de-edad , itinago sa pangalang “Totoy” ang isa sa suspek, habang ang dalawang babae ay sina Cathy dela Cruz, 33 at isang May Bibay, 25, kapwa ng Tondo, Manila.

Batay sa ulat na nakarating kay Chief Insp. Fernando Opelanio, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, habang nagsasagawa ng Anti – Criminality Campaign ang mga tauhan nito na sina PO3 Rizaldy Liangco ; PO2 Rommel  Maniquis ; P02 Michael Pastor at PO1 Jansen Rey San Pedro sa area ng Divisoria sakop ng Binondo, nang makarinig sila ng hiyaw ng Chinese national na nakilalang si Wilson Chua, 29, negosyante ng Lavizares St., Binondo.

Dahil sa mabilis na aksyong isinagawa  ng mga tauhan ni Chief Insp. Opelanio, nadakip nila ang nasabing tinedyer at dito na itinuga sina Dela Cruz at Bibay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply