Bagong apostolic nuncio sa PH, itinalaga ng Papa

NAGTALAGA na si Pope Benedict XVI ng bagong apostolic nuncio sa Pilipinas kapalit ni Archbishop Edward Joseph Adams, na umalis na ng bansa matapos na maitalaga bilang bagong apostolic nuncio naman ng Greece.

Hinirang ng Santo Papa ang Italian-born Church law expert na si Archbishop Giuseppe Pinto, na dating apostolic nuncio sa Chile, upang magsilbi bilang ika-16 na apostolic nuncio sa Pilipinas.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Pinto ay may doctorate sa Canon Law at fluent sa Italian, French, English, at Spanish.

Bilang apostolic nuncio, magiging tungkulin ni Pinto na paigtingin pa ang relasyon sa pagitan ng Santo Papa at ng Pangulo ng Pilipinas, gayundin ng mga obispo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply