Bagong bagyo binabantayan ng PAGASA

PATULOY na sinusubaybayan ang isang papasok na panibagong bagyo sinasabing maaaring pumasok sa bansa sa Huwebes.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Jori Loiz, ang naturang sama ng panahon kapag naging bagyo ay tatawaging Chedeng.

Kahapon dakong 11:00 ng umaga, ang bagyong Bebeng ay tuluyan nang lumayo sa bansa papuntang Southern Japan.

Namataan ito kahapon sa layong  50 kilometro silangan ng  Basco, Batanes  taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 80 kilometro bawat oras.

Sa Huwebes ng umaga, si Bebeng ay inaasahang nasa layong  810 kilometro hilagang silangan ng  Basco, Batanes o 90 kilometro hilagang kanluran ng Okinawa, Japan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply