Bagong grupo vs sex trafficking

INILUNSAD kamakailan ang isang panibagong grupo na may layuning labanan at supilin ang matagal ng problema sa ating bansa  — ang sex trafficking kung saan ang karaniwang mga biktima ay pawang mga kabataan at menor-de-edad pa.

Tinawag ang grupo bilang Called to Rescue Foundation, isang worldwide non-profit organization na binuo ng mga kinatawan mula sa gobyerno, media, business sector at iba’t-ibang NGOs (non-government organizations) sa ating bansa.

Bukod sa layuning maging sex trafficking-free ang ating bansa, nais din ng grupo na iligtas ang hanay ng mga kabataan sa karahasan at pang-aabuso.

Maaari ninyong tawagan ang grupong ito sa kanilang 24/7 hotline – 0906-3063889 – sakaling meron kayong mga impormasyon o nais iligtas na mga biktima ng sex trafficking.

Ilan sa mga kilalang personalidad na nakiisa sa layuning ng grupong ito ay sina NBN-ZTE deal “whistleblower” Rodolfo “Jun” Lozada, The STAR columnists Jarius Bondoc at Cito Beltran, beauty at wellness expert Cory Quirino at ang sikat na singer na si Kuh Ledesma.

Panahon na upang maging mulat tayo sa katotohanan na parami ng parami ang bilang ng mga menor-de-edad at kabataang Pilipino ang nagiging biktima ng sex trafficking sa ating bansa.

Sa mga night club lang sa buong Metro Manila ay marami kayong makikitang mga GRO na pawang menor-de-edad. Kahirapan ang kanilang dahilan sa mga tanong kung bakit sila nasadlak sa ganoong trabaho.

Katulad ng isang malaking club sa Pasay City na ni-raid nitong nakaraang linggo ng Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) ng National Bureau of Investigations kung saan nakatiklo ang mg awtoridad ng may 17 menor-de-edad na nagsisilbing modelo at GRO ng nasabing establisimento.

Pero hindi lamang iyon ang kanilang trabaho kundi nagsasayaw din sila ng hubo’t hubad sa entablado habang inilalako sa mga parukyano para sa panandaliang aliw.

Sa ginawang pag-raid, huli rin ang maraming mga floor managers at supervisor ng nasabing club na nagsisilbing bugaw. Huli rin ang general manager na, ayon sa NBI-AHTRAD, ay sinampahan nila ng kaukulang kaso sa piskalya ng Pasay City.

Pero ang nakapagtataka ay balik na naman sa dating gawi ang nasabing club at malaya na namang nagsasagawa ng sex trafficking.

Ang mga ganitong pangyayari ang isa sa mga dapat bantayan din ng mga NGO katulad ng Called to Rescue Foundation. Sikilin nila ang mga awtoridad na nagsasagawa ng mga paghuli kaugnay sa sex trafficking.

Kadalasan kasi, ang mga ganitong paghuli ay nauuwi lamang sa lagayan. Ganito ang hinihinalang nangyari sa ni-raid na club sa Pasay City. Ano kaya ang masasabi ng NBI-AHTRAD tungkol dito?

Abangan!

* * * * * * * *

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.comat malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply