Bagong kaso ni Leviste reresolusyunan agad

INAASAHANG sa araw na ito ay ipalalabas na ni Senior State Prosecutor Lilian Alejo ang resolusyon kaugnay ng panibagong reklamong kriminal na isinampa laban kay dating Governor Antonio Leviste.

Ayon kay Alejo, minamadali na niya ang ipalalabas na resolusyon kung saan tutukuyin niya kung may probable cause para isampa sa korte sa Makati ang reklamong evasion of service of sentence kay Leviste.

Pasado alas tres ng hapon nang makaalis ng DOJ si Leviste kasama ang kanyang driver na isinalang din sa inquest kaninang tanghali bilang accomplice sa reklamo laban sa dating gobernador.

Pero bago siya tuluyang makaalis ng DOJ, sinuri muna si Leviste ng doktor mula sa NBI sa pangunguna ni Dr. Ruperto Sombilan, medico legal officer ng NBI.

Ayon kay Sombilan, maayos naman ang kundisyon ni Leviste, bagamat bahagyang mababa ang blood pressure na naitala sa 100 over 70.

Ipinaliwanag ni Sombilan na medikal na pagsusuri kay Leviste ay bahagi lamang ng normal protocol kapag ang isang preso ay kailangang iturn over sa ibang ahensya ng gobyerno.

Ngayong araw ding ito ay muling ibabalik si Leviste sa kustodiya ng New Bilibid Prisons.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply