Bagong modus sa pagnanakaw binabala

KINALAMPAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng barangay na makipagtulungan sa mga pulis para mahuli ang mga magnanakaw matapos madiskubre ang panibagong modus operandi  ng mga magnanakaw para pasukin ang isang jewelry shops, pawnshops at bangko.

Ayon kay Secretary Jesse Robredo , ito ang ibinulgar sa kanya ng Chamber of Pawnshops of the Philippines Inc. (CPPI) matapos humingi ng tulong sa kanya at sa Philippine National Police hinggil sa naturang estilo ng nakawan.

Dahil dito inatasan ni Robredo ang bawat barangay sa kanilang nasasakupan na may mga kahalintulad na establisimiyento na palaging mapagmatyag at maging alerto at magpakalat ng kanilang mga barangay security officers sa pagpapatrulya sa kanilang mga nasasakupan maliban sa mga pulis.

May mga impormasyon na sa gabi umano hanggang madaling-araw umaatake ang mga magnanakaw  na ang modus ay butasin ang konkretong sahig kung saan nakalagay partikular ang vaults ng target na establisimiyento gamit ang mga makabagong pambutas.

Kabilang sa modus ng mga kawatan ang pag-upa  malapit sa target na establisimiyento at magkukunwaring customer para mapag-aralan muna ang loob ng isang pawnshop o bangko bago isasagawa ang pagnanakaw.

Pawang mga sanay umano ang operator ng magnanakaw dahil pinapatay muna ang mga alarma sa loob ng establisimiyento upang malaya silang makapasok nang walang makakapuna sa kanila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply