Bagong NCRPO chief itinalaga

PORMAL na umupo bilang bagong National Capital Region Police Office (NCRPO) director si Chief Supt. Alan Purisima matapos ilipat si dating NCRPO chief Nicanor Bartolome sa ika-apat na antas bago sa PNP chief.

Sa turnover na ginanap Martes, Mayo 3, sinabi ni Purisima na ilalapit niya ang kapulisan sa mga tao, upang magkaroon ng mas malakas na pagkakabuklod ang komunidad sa mga awtoridad.

Nangako rin ito na magkakaroon ng 24-hour texting message service bilang bahagi ng public action center at mga reklamo.

Nagbigay rin ng pahayag si Bartolome na humawak sa puwesto ng halos anim na buwan at kung paano bumaba ang krimen sa Metro Manila ng 30 porsyento sa kanyang panunungkulan.

Isa sa mga dahilan na kanyang ibinigay sa pagbaba ng krimen ay pinaigting na pagpapatrolya ng mga pulis sa kanilang nasasakupan at kooperasyon ng komunidad laban sa kriminalidad. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply