Bagong Ombudsman di dapat palusutin si PNoy

HINAMON ng minorya sa Kamara ang susunod na Ombudsman na kasuhan din kung kinakailangan ang mga kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na nasasangkot sa iba’t ibang anomalya.

Ito ang hamon ni Zambales Rep. Ma. Milagros “Mitos” Magsaysay sa administrasyon matapos sabihin ni G. Aquino na itutuloy ng gobyerno ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal ng nagdaang administrasyon.

“It will be interesting to see whether PNoy will also pursue cases and investigations where his own allies now were also beneficiaries of the so-called corrupt practices of the past administration,” ani Magsaysay, na siyang House Assistant Minority Leader ngayon.

Aniya pa: “In the interest of truth and transparency, let us unmask everyone, friend or foe, with the same zeal or fervor.”

Naunang pinangalanan ng Ombudsman si dating Bukidnon Rep. Nereus Acosta Jr., 2010 senatorial candidate ng Liberal Party, na isa sa nakinabang sa limang legislative congressmen na tumanggap sa Farm Input/Farm Implements Fund (FIFIF).

Hindi napabilang ang distrito ni Acosta sa listahang isinumite sa Department of Budget and Management (DBM) noong 2004 para sa pag-iisyu ng Special Allotment Release Order (SARO).

Si Acosta na diumano’y nakatakdang hirangin ni Pangulong Aquino sa Gabinete ay meron ding nakabinbing kaso sa Sandiganbayan kaugnay sa maling paggamit ng kaniyang “pork barrel” sa isang pribadong kooperatiba na pag-aari at pinatatakbo ng kanyang kamag-anak.

Ipinaliwanag naman ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong na walang malisya ang pahayag ni Pangulong Aquino kung ang mga nasasangkot ay bibigyan lamang ng due process.

“If there is strong evidence and observing due process, filing of cases is part of the rule of law,” pagbibigay-diin ni Datumanong, dating kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Ayon naman kay Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo, ang pagsasasampa ng kaso laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos magbitiw si Ma. Merceditas Gutierrez.

“This would be a challenge to the new Ombudsman. No one should be spared from the President’s campaign to go after grafters. Clean government is anchored on our resolve to pursue this end,” ayon kay Castelo. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply